INIHIRIT ng Philippine Association of Private Telecommunications Companies (PAPTELCO), isang samahan ng independent telecommunications companies na nagkakaloob ng connectivity sa mga liblib na lalawigan, kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang Konektadong Pinoy bill, at magpasa ng mas mahusay na bersiyon sa 20th Congress.
“The current bill is flawed with national security issues as well as the lack of protection for small players like us that are already providing service to rural areas. A new and better Konektadong Pinoy bill can be certified as urgent so we can still it enacted into law this year,” pahayag ni Atty. Normandy Baldovino Jr., presidente ng PAPTELCO.
Nauna nang nagpahayag ng alalahanin ang PAPTELCO hinggil sa pambansang seguridad dahil maaari nang magtayo ng mga cable landing station at international gateway facilities ang sinumang kompanya sa Pilipinas nang walang kinakailangang mga clearance na bahagi ng legislative franchise na ibinibigay ng Kongreso.
“There can be a win-win situation if we enhance the bill in the next Congress. We can still attract foreign investors and at the same time protect the small telco players and protect the Filipinos from national security threats,” pagbibigay-diin ni Baldovino.
Ang iba pang mga samahan sa industriya tulad ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators (PCTO) ay nauna nang binatikos ang ilang probisyon sa Konektadong Pinoy bill na maaaring makasama sa pambansang seguridad ng Pilipinas at sa mga Filipino consumer. Kabilang dito ang:
● Ang pag-aalis ng requirement para sa Congressional franchise para sa mga bagong telecommunications player na papasok sa Pilipinas
● Ang pagbawas sa mga tungkulin ng National Telecommunications Commission (NTC) mula sa isang regulatory na ahensiya tungo sa isang administratibong tungkulin, kung saan ang mga bagong kompanya ay kailangang lamang magparehistro nang hindi kailangang magpakita ng patunay ng kakayahan nilang mag-operate sa Pilipinas.
● Kakulangan ng pagsusuri sa bagong telecommunications players, at
● Kakulangan ng requirement para sa mga bagong telecommunications player na maging cybersecure bago magsimulang mag-ooerate sa Pilipinas.
“We can’t sacrifice the country’s national security. While the Konektadong Pinoy bill has good intentions, it may have adverse effects down the road similar to when the government legalized Philippine Offshore Gaming Corporations (POGO). We have to correct the bill itself to ensure there is nothing lost when it comes to the implementing rules and regulations,” aniya.
Sa ilalim ng panukala, ang foreign-controlled companies ay pinapayagang kontrolin ang critical information infrastructure (CII) na mahalaga para sa pambansang seguridad, nang walang anumang financial, technical o legal checking.
Pinapayagan din ang mga bagong player na magkaroon ng isa hanggang tatlong taong grace period matapos ang simula ng operasyon upang maisakatuparan ang cyber security measures, sa kabila ng mataas na insidente ng hacking sa Pilipinas.
Ang Konektadong Pinoy bill ay isang priority measure ng kasalukuyang administrasyon na naglalayong palawakin ang internet access sa bansa sa pamamagitan ng pagpapagaan sa pagpasok ng mga bagong player sa data transmission industry.