Suportado ng 13 senador ang panukalang inihain ni Senate President Vicente Sotto III na mabigyan ng bagong 25-year franchise ang ABS-CBN.
Ito’y matapos na hindi aprubahan ng Kongreso nuong nakaraang taon ang pagre-renew ng media network para sa kanilang license to operate.
Ang mga pumabor na senador ay kinabibilangan nina
- Senate President Pro Tempore Ralph Recto
- Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri
- Senate Minority Leader Franklin Drilon
- Sen. Panfilo Lacson
- Sen. Sonny Angara
- Sen. Nancy Binay
- Sen. Sherwin Gatchalian
- Sen. Richard Gordon
- Sen. Manuel “Lito” Lapid
- Sen. Manny Pacquiao
- Sen. Joel Villanueva
- Sen. Risa Hontiveros
- Sen. Francis Pangilinan
Nakasaad sa inihaing panukala ang kahalagahan ng pagbabalik ng ABS-CBN sa pamamahagi ng balita o impormasyon lalo na sa mga malalayong lugar ngayong panahon ng Pandemya.