Lusot na sa Kamara ang panukalang ipagpaliban ang 2020 barangay at SK elections sa December 5, 2022.
Ang House Bill 4933 ay inaprubahan ng mga kongresista sa ikatlo at huling pagbasa matapos pumabor dito ang 194 na mambabatas, anim na kumontra at walang nag abstain.
Nabatid na hindi na kailangang dumaan ng panukala sa Bicameral Conference Committee Level dahil ang House Bill 4933 ay katulad na rin ng bersyon ng Senado na ipinasa ng mataas na kapulungan noong Setyembre.
Nangangahulugan itong consolidated version ng House at Senate bills ay kaagad ipapadala sa Malakaniyang para sa lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na maipagpapaliban ang barangay at sk elections sa ilalim ng Duterte administration. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)