Suportado ni Senate President Vicente Sotto III ang hirit ng labor sector na itaas sa 710 pesos ang minimum wage hike ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Ayon kay Sotto, bukas na ang araw ng paggawa kaya’t nauunawaan niya na may ganitong mga panawagan para sa dagdag sahod.
Pero mas makabubuti anya kung pagkatapos na lamang ng eleksyon sa Mayo aksyunan at pag-usapan ang isinumiteng petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines na humihiling ng wage increase.
Sa panig naman ni Senador Koko Pimentel, suportado nito ang pagkakaroon ng living wage para sa mga manggagawa pero dapat pag aralan o i-compute ang tamang halaga ng sahod na magbibigay ng disenteng pamumuhay.
(with report from Cely Ortega- Bueno)