Isinusulong ng dalawang senador ang pagpasa sa panukalang batas na nagbabawas minimum height requirement para sa mga Pilipinong nais maging bahagi ng uniformed personnel ng bansa.
Ayon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, layon ng senate bill no. 1563 o ang Proposed Height Equality act na bawasan ang height requirement sa mga aplikante ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).
Batay sa panukala, itinakda ang minimum height para sa mga lalake sa 1.57 meters o 5’2” habang 1.57 meters o 5” para sa mga babae.
Ani Dela Rosa, hindi ibig sabihin nito ay ibinaba rin ang standard sa paghahanap ng mga uniformed personnel bagkus ay para lamang ito mabigyan din ng pagkakataon ang mga Pilipinong nais makapag-silbi sa bayan ngunit hindi nabiyayaan ng tangkad.
Samantala, sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na tila nakaka-discriminate at nakakababa ng morale sa isang indibidwal na hindi nabigyan ng pagkakataon na maglingkod at magsilbi sa sariling bayan dahil lamang hindi nakapasa sa height requirement.