Ipagbabawal na ng Team Pacquiao ang mga fans na magtungo sa Wild Card Gym kung saan nagsasanay si Senador Manny Pacquiao para sa kanyang laban kay Jeff Horn.
Kasunod na rin ito ng napakaraming fans na nadatnan ni Pacman nang dumating ito sa gym noong Biyernes.
Dahil sa dami ng fans, hindi na umano makapag-concentrate si Pacman sa kanyang training.
Sinasabing ilang media men ang pinayagang makapasok sa gym subalit limitado ang kanilang galaw at sa isang sulok lamang nagtitipon ang mga ito.
By Judith Estrada – Larino