Magkakaroon ng bahagyang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na Linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, posibleng walang maging paggalaw o tumaas ng hanggang 5 sentimo ang kada litro ng diesel.
Habang posible namang bumaba ng 10 sentimo kada litro o walang maging paggalaw sa presyo ng gasolina.
Inaasahan namang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang nasabing paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Agosto 6.