May panawagan si Cebu Archbishop Jose Palma sa Philippine National Police o PNP kasabay ng pagbabalik nito sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon sa Arzobispo ng Cebu, pabor siyang muling pangunahan ng pulisya ang nasabing kampaniya basta’t tiyakin lamang nito na kanilang susundin kung ano ang batas.
Dapat din aniyang tiyakin ng pulisya na maliban sa iisang bansa, iisang pamilya rin aniya ang mga Pilipino anuman ang pagkakaiba o tinatahak nitong landas sa buhay.
Paglilinaw pa ng Arzobispo, iginagalang niya ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mas batid nito kung ano ang makabubuti para sa bansa ngunit dapat ay laging naaayon sa batas ang kanilang mga sinasabi at ginagawa.
—-