Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating US President Barack obama.
Ito ay kaugnay sa kanyang mga banat at pagmura kay Obama matapos batikusin ng dating Pangulo ng Amerika ang war on drugs ng Duterte administration.
Ayon sa Pangulo, isa nang sibilyan ngayon si Obama kaya’t hindi na dapat pang nakakaladkad ang pangalan nito.
Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na kanya nang napatawad si Obama sa mga sinabi nito laban sa kampanya ng gobyerno ng Pilipinas.
—-