Nakakuha ng tip si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang kapatid na si Kris Aquino kung paano mukhang laging fresh sa kanyang mga kuhang larawan.
Game na game ang pangulo na ibinahagi sa ilang miyembro ng media kung paano hindi mangawit at maging maayos ang kuha sa kanyang larawan lalo pa at marami ang gustong makipag-selfie sa kanya.
Ayon sa pangulo, tinuruan siya ng bunsong kapatid kung paano maayos na humarap sa camera.
Bago aniya mag-picture tumingin muna sa baba, huwag ngumiti at pagbilang ng isa, dalawa, tatlo saka tumingin sa itaas sabay ngiti para aniya fresh na fresh ang kuha.
By: Aileen Taliping (patrol 23)