Siniguro ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) na hindi maaapektuhan ang presyo ng kanilang christmas ham ngayong taon.
Iyo ay dahil sa kasalukuyang nararanasang krisis sa karneng baboy dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay PAMPI Vice President Jerome Ong, hindi pa rin sila magtataas ng presyo kahit na inaaasahan na aabot sa isang bilyon ang malulugi sa kanila.
Dagdag pa nito na magbabawas sila ng produksyon ng Christmas ham ng hanggang 20% dahil sa mababang demand.
Matatandaang una na ring ipinahayag ng grupo na may posibilidad na maapektuhan din ang mga seasonal workers dahil sa epekto ng ASF.