Pumalag ang Malacañang sa pahayag ng mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repleksyon ng ginawang pagdakip sa dating pangulo ang resulta ng katatapos lamang na eleksyon.
Binigyang diin ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro, na tao ang siyang humusga sa pamamagitan ng pagboto at dapat na irespeto ang naging pasya ng taumbayan.
Nanindigan naman ang PCO Official na dapat igalang kung sino man ang napili ng mga Pilipino na iboto nitong nakaraang halalan.
Dagdag pa ni Usec. Castro, hindi naman dapat na kanlungin ang isang inaakusahan ng paggawa ng mali para lang makaiwas sa sinasabing ‘protest vote.’—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)