Umaasa ang gobyerno na papabor sa Pilipinas ang International Arbitral Tribunal sa petisyong isinampa laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.
Kahapon ang huling araw ng pagdinig ng mga international court sa merito ng kaso sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakapaghanda ng husto ang mga abogado ng gobyerno at naipresenta sa korte ang mga ebidensiya ng Pilipinas alinsunod sa international law.
Umaasa aniya ang gobyerno ng Pilipinas na sa gagawing evaluation ng mga hukom ay makikita nila ang merito ng inihaing petisyon laban sa Tsina.
Sa buong panahon ng pagdinig ay nagmatigas ang gobyerno ng China na makilahok sa arbitration.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)