Magtatayo ng OSS o one-stop shop center ang Philippine Airlines sa NAIA Terminal 2 para magsagawa ng mandatory RT-PCR swab testing sa mga OFW at otorisadong dayuhan.
Ayon sa PAL simula ngayong araw na ito ay magdadagdag sila ng tauhan para ma screen and mga ba biyahe at magpo proseso ng quarantine requirements para sa mga pasaherong lilipad patungong North America, Middle East, Europe, Oceania at buong Asya.
Ipinabatid ng pal na ang kaya ng oss nito ang mag test ng isanlibo at dalawandaang pasahero kada araw at makukuha ang resulta sa loob ng dalawang araw.
Accredited na rin ng National Task Force , IATF at DOH ang nasabing OSS center ng PAL.