Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Pagtawag na Trapo kay Pres. Duterte ng CPP pinalagan ng Malacañang

by DWIZ 882 November 21, 2016 0 comment

Pinalagan ng Malakanyang ang bansag ng Communist Party of the Philippines na TRAPO o traditional politician si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod ng pagpayag nitong mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ipinatupad lamang ng Pangulong Duterte kung ano ang nakasaad sa batas, na sinang-ayunan pa ng Korte Suprema.

Ayon kay Panelo, tanging si Pangulong Duterte lamang ang bukod tanging Presidente  na nagtalaga ng mga miyembro ng gabinete na mula sa maka-kaliwa kaya’t hindi  ito matatawag na trapo.

Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na  nirerespeto ng Palasyo ang pagtutol ng kilusang komunista dahil  mayroong umiiral na demokrasya sa bansa.

By: Meann Tanbio / Aileen Taliping

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment