Pormal nang nagretiro ngayong araw, Oktubre 18, 2019, si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.
Si Bersamin ay 11 buwang naging punong mahistrado, na opisyal na tumapos sa mahigit tatlong (3) dekada niyang pagiging miyembro ng hudikatura.
Bilang ikalawang chief justice appointee ng Pangulong Rodrigo Duterte, sinundan ni Bersamin si retired Chief Justice Teresita Leonardo de Castro na dalawang (2) buwan lamang nagsilbi matapos mapatalsik sa puwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa isinagawang retirement ceremony nuong isang linggo, binigyang diin ni Bersamin na nais niyang maalala bilang ‘healing chief justice’ na nagbalik ng katatagan at pagiging normal ng hudikatura partikular sa Korte Suprema.