Sang-ayon si House Committee on Transportation Chairman Cong. Romeo Acop na isapribado ang operasyon ng EDSA Bus Carousel.
Ginawa ni Acop ang pahayag, kasunod ng naging anunsyo ni Transportation Sec. Jaime Bautista na ipa-privatize na ang EDSA Bus Way pagsapit ng 3rd quarter ng 2023.
Sinabi ng mambabatas na mahalagang makapaglunsad ng malalimang feasibility study ukol dito upang matiyak na maayos itong maipatutupad.
Maari aniyang pag-aralan at tularan ang mga bansang China, Hong Kong at London na matagal nang nagpapatupad ng ganitong sistema.
Nais din ng solon na maisama sa feasibility study ang magiging impact ng privatization sa mga mananakay at sa galaw ng pasahe dahil sa mga oil price increases.
Iginiit pa ni Acop na kung titingnan ang pondo ng pamahalaan para sa Bus Way Project Infrastructure sa susunod na taon, indi ito sasapat upang para makapagpatupad ng isang Bus Way System na naaayon sa world standard.