Posibleng masundan pa ang pagpo-produce ni Erich Gonzales ng mga pelikula.
Kasunod ito ng matagumpay na pagpapalabas ng pinagbidahang action film na “We Will Not Die Tonight” kung saan siya rin ang producer.
Ayon kay Erich, matapos ng nasabing pelikula mas lumalim pa ang interes niya na magtrabaho sa likod ng camera.
Sinabi ni Erich na handa siya muling mag-produce basta aniya may maganda at kakaibang istorya kahit pa hindi siya ang bumida rito.
Dagdag pa ng aktres, sakaling magkaroon din siya ng oras, balak niya ring mag-aral ng film sa ibang bansa at posibleng magsimula na rin sa pagsusulat ng mga istorya o konsepto.
Kuwento pa ng aktres, bagama’t sobrang dami ng kanilang napagdaanang hirap sa paggawa ng pelikulang We Will Not Die Tonight, maipagmamalaki niyang sulit naman aniya ito.
—-