Kumpiyansa si Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na kakayaning aprubahan sa Bicameral Conference Committee sa susunod na linggo ang 2023 proposed national budget.
Ayon kay Angara, sa ngayon ay nasa 50% hanggang 60% na ang kanilang napa-plantsa sa mga hindi magkakatugmang probisyon ng ipinasang bersyon ng budget ng Senado at Kamara.
Matapos ang unang meeting ng Senate at house bicam panel, ang nag-uusap lang muna ngayon ay mini-bicam panel sa pangunguna nina Angara at House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co.
Isa sa mga kailangang plantsahin ng magkabilang-panig ay ang usapin sa confidential at intelligence funds ng ilang tanggapan ng pamahalaan.
Target ng Kongreso na ratipikahan ang aaprubahang bicam kung hindi sa susunod na linggo o bago mag-adjourn ang sesyon sa December 14. —- Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)