Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) ang muling pagbubukas ng bansa para sa lahat ng turistang fully-vaccinated.
Tiwala si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na mas sisigla ang turismo dahil sa mas pinasimpleng entry requirements ng Pilipinas.
Nabatid na simula Abril a-1 ay hindi na hahanapan ang foreign nationals ng entry exemption document.
Gayumpaman, nilinaw ng DOT na sa bagong resolusyon, fully-vaccinated dapat ang foreign travellers, may RT-PCR o Antigen test bago pumasok sa bansa.
Nabatid na ang mga mahuhuling hindi bakunado at hindi sumunod sa itinakdang guidelines gaya ng VISA, Immigration Laws and Rules ay sasailalim sa exclusion proceedings. — sa panulat ni Mara Valle