Inirekomenda ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang amnesty program ng gobyerno hanggang March 13, 2028.
Ayon kay National Amnesty Commission chairperson Atty. Leah Tanodra Armamento, isa sa mga dahilan ng rekomendasyon ay ang ulat ng Task Force Balik Loob na nagsasabing may 50,000 pa silang potential applicants.
Nabatid na nakatakda sanang matapos ang programa sa March 13, 2026, subalit iminungkahi itong palawigin pa ng dalawang taon.
Gayunpaman, nakabinbin pa ang pag-apruba ng Pangulo para rito dahil kailangan pa niyang pag-aralan at rebyuhin ang naturang rekomendasyon.