Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papalit sa kanyang pwesto sa pagkapangulo sa bansa na si President-elect Bongbong Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagpapabuti sa sistema ng tren sa bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa naganap na opening ng Philippine National Railways (PNR) Lucena-San Pablo Commuter Line na magpapaikli sa oras ng biyahe sa pagitan ng San Pablo, Laguna at Lucena, Quezon mula sa isang oras hanggang 30 minuto.
Aniya ang epektibong mass transportation system ay hindi lamang nakapagpapalakas sa kalakalan sa pagitan ng rural at urban areas kundi pati ng turismo.