Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna ng kontra pneumonia at flu para makaiwas sa iba pang komplikasyon mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, mayroon rin silang ganitong programa para sa mga bata at matatanda.
Maiiwasan anya ang mga dagdag na kumplikasyon ng COVID-19 kung may bakuna ng flu at pneumonia ang pasyente.
Ilan sa mga sintomas ng COVID-19 ay kahalintulad ng sa flu at pnemonia tulad ng lagnat, ubo, sore throat, runny nose, pananakit ng katawan, sakit sa ulo at fatigue.