Pinagpapaliwanag na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga opisyal ng kanilang satellite office sa Cubao, Quezon City.
Ito’y makaraang mapaulat ang ginawang pagpapaalis sa dalawang nakatatanda o Senior Citizens na nais kumuha ng pasaporte dahil puno na umano ang slot para sa aplikasyon.
Batay sa ulat, mag-a-alas 10:00 ng umaga kahapon nang dumating ang dalawang nakatatanda sa Ali Mall bago pa man ito magbukas.
Ngunit dahil puno na ang 50 passport application slot para sa mga walk-in applicants, pinabalik na lang ang mga ito.
Pero ayon kay DFA Asst/sec. Frank Cimafranca, dapat pa ring i-accomodate ang dalawang Senior Citizen na pumunta ruon bago pa man magbukas ang mall dahil may nakalaan namang courtesy lane para sa kanila.
RPE