Iginiit ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi trabaho ng Senado na madaliin ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay SP Escudero, hindi porket may mga tao o grupo na gustong madaliin ang impeachment ay kailangan na din nilang magmadali.
Anila, gagawin nila ang impeachment alinsunod sa tamang proseso.
Tiniyak din ng lider ng Senado na matutuloy ang impeachment proceedings ng Pangalawang Pangulo, alinsunod sa batas.
Paliwanag ni SP Escudero, iminungkahi niya na sa Agosto a-kuwatro simulan ang impeachment trial upang magkaroon ng panahon na mapadalhan ng notice ang mga panig na kasali sa paglilitis.
Gayunman, nilinaw niya na hindi pa pinal ang nasabing petsa dahil pag-uusapan pa aniya nila ito sa plenaryo.
Samantala, naniniwala si SP Escudero na maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment ni VP Sara.
—sa panulat ni John Riz Calata