Alam mo ba na ang pagiging broken hearted ay maaaring mauwi sa pagkamatay?
Mayroon tayong tinatawag na Takotsubo cardiomyopathy o broken heart syndrome, ito ay dulot ng labis na emotional stress sanhi ng failed romantic relationship.
Tinukoy ng cardiologist na si Dr. Tony Leachon, ang mga sintomas ng broken heart syndrome na; pagsikip ng dibdib, shortness of breath, pagsakit ng batok, labis na kaba o palpitations, mabilis mapagod, at sakit ng ulo.
Dagdag pa ni Dr. Leachon na kadalasan na-s-stimulate ng nasabing kondisyon ang pakiramdam na parang inaatake sa puso ang nakakaranas ng broken heart syndrome.
Malaki ang risk na maka-experience ng broken heart syndrome ang mga tao na may severe anxiety, depression, o nagka-stroke na.
Kaya naman, ingatan ang puso at magmahal lamang ng taong kaya kang mahalin pabalik.
—Sa panulat ni Jem Arguel