Ipagbabawal na ng Commission on Elections ang paggamit ng mga pamagat ng TV shows at ayuda bilang pangalan ng party-list sa susunod na halalan.
Binigyang-diin ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kung gusto ng isang organisasyon na ma-accredit, kailangan, ang pangalan nito ay naka-akma sa mga prinsipyo nito.
Naniniwala si Chairman Garcia na hindi makatuwiran ang paggamit ng mga pangalang iniugnay sa mga telenovela at ayuda.—sa panulat ni John Riz Calata