Ipagpapaliban muna ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig nito ngayong linggo kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Panfilo “Ping” Lacson, na siyang chairman din sa naturang komite, kailangang pagtuunan muna ng oras ang pagkokonsolida ng mga dokumento at testimonya na magiging batayan ng kanilang initial report.
Dapat anyang suriin muna ang mga datos na kanilang nakalap, bago mag-hearing muli.
Dagdag pa ni Senador Lacson na maaaring ipagpatuloy ang mga pagdinig kung may lumabas na bagong impormasyon.
Anya, sa ngayon ay kailangang din muna nilang gampanan ang kanilang tungkulin sa nalalapit na deliberasyon sa 2026 national budget.