Inaasahang haharap sa plenaryo ng Senado sa Lunes ang labing-isang kongresista na miyembro ng panel of prosecutors sa isasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Attorney Arnel Bañas, Deputy Secretary at spokesman ng Senado, ipababasa sa mga kongresista ang impeachment cases na kanilang isinampa laban sa Bise Presidente.
Sa ngayon, wala pa anyang natatanggap ang Senado na written confirmation na pupunta ang mga kongresista.
Pero may written acknowledgment na si House Speaker Martin Romualdez na natanggap nila sa Kamara ang sulat ni Senate President Chiz Escudero ukol sa gagawin sa Lunes.
Dagdag pa ni Attorney Bañas, na kailangang harapin ng congressmen-prosecutors sa Lunes dahil kailangan ito para masimulan ang impeachment trial.
—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)