Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bubuwagin ang katiwalian sa harap ng nabubunyag na mga guni-guni o ghost projects at pinagkakakitaang flood control projects.
Ang pahayag ay ginawa ng Chief Executive sa kanyang social media post kung saan sinabi nitong maging sama-sama sana ang ginagawa sa gitna ng paglaban sa korupsiyon.
Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na hindi niya palalampasin ang mga nalantad na iba’t ibang paraan ng katiwalian sa mga proyektong may kaugnayan sa baha.
Apela ng Pangulo sa taong-bayan na ipagpatuloy lamang ang pagpapadala ng impormasyon sa “Sumbong sa Pangulo.”
Kaugnay nito, muli namang nagbigay ng mensahe ang Pangulo sa sinumang nasa likod ng malawakang anomalya.
Kung noong SONA ay tila may himig pa ng pakiusap ang katagang “mahiya naman kayo,” sa pinakahuling post naman ng Pangulo ay direkta nitong sinabi: “Hindi na kayo nahiya!”
—Sa panulat ni Jasper Barleta