Aminado si Senate Committee on Finance chairman Win Gatchalian na mas mabigat at mas komplikado ang pagbuo ng 2026 national budget dahil sa mga isyu ng korapsyon na lumitaw sa mga proyekto ng ilang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Senador Gatchalian, hindi na lamang teknikal na usapin ang pagbabalangkas ng budget ngayon, kundi isang malalim na hamon upang ibalik ang tiwala ng publiko sa pamamahala ng pondo ng bayan.
Binigyang-diin din ng senador na kailangang masusing suriin ang bawat line item, lalo na sa mga ahensya tulad ng Department of Public Works and Highways at Department of Agriculture na nasasangkot sa mga “overpriced” at “ghost” projects.
Kaugnay nito, isinusulong ng komite ang mas detalyado o granular budget at mahigpit na validation ng mga proyekto na layuning maiwasan ang pag-abuso sa pondo at matiyak na ang bawat proyekto ay makikita, masusuri, at mapapanagutan.




