Iniutos ni PNP Chief, Police General Archie Gamboa sa mga local police na muling buhayin ang tourist-oriented police for community order and protection (TOPCOP), gayundin ang pagpapalakas presensya ng tourist police assistance desks (TPAD).
Ayon kay Gamboa, ang kautusan aniya nito ay para matiyak na nasusunod ang mga umiiral na health protocols kontra COVID-19, sa mga tourist destinations na nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ).
Nauna rito, pinayagan na ng tourism department ang pagkakaroon ng domestic tourism para sa mga lugar na nakasailalim sa mas maluwag na quarantine protocols tulad ng mga MGCQ areas.