Pinag-iingat ng Quezon City (QC) Veterinary Office ang publiko sa pagbili ng lechon sa online kasunod ng mga natatanggap na reklamo hinggil sa umano’y bulok na lechon.
Ayon kay QC Veterinarian Dr. Ana Marie Cabel, posible kasi itong magdulot ng pananakit ng tiyan, pagdudumi, o humantong pa sa food poisoining.
Samantala, ilang araw ang bagong taon ay sumirit muli ang presyo ng lechon.
Ayon kay La Loma Lechoneros Association President Ramon Ferreros, dahil ito sa kakapusan ng suplay at pagtaas ng presyo ng baboy.
Sa ngayon kasi ay umakyat na sa 10,500 pesos ang presyo ng 10 hanggang 11 kilo ng lechon sa la loma na dating 10,000 pesos.
Limang daang piso rin ang itinaas ng walo hanggang siyam na kilo ng lechon na dating 9,000 pesos, na ngayon ay 9,500 pesos na.
Habang ang 4 hanggang 5 kilo na lechon naman ay nasa P8,500 mula sa dating 7,500 pesos hanggang 8,000 pesos noong nakalipas na  linggo.