Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanya sa pribadong sektor hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa.
Batay sa kanyang Labor Advisory No. 28, ipinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon lamang hanggang Disyembre 24 ngayong taon ang mga negosyante na ibigay ang nabanggit na cash benefit.
Binigyang diin ni Bello na obligadong magbayad ng 13th month pay ang mga kompanya dahil mandato sa batas ang pagbibigay nito kahit pa ito ay kumikita o hindi.
Samantala, nilinaw din ng kalihim na hindi sila tatanggap ng anumang ‘application for exemption’ o hirit na pagpapaliban sa pagbabayad ng naturang benepisyo.