Iginagalang ng Malacañang ang pagbasura ng Korte Suprema sa inihaing electoral protest ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Gayunman, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa panig pa rin ni Marcos ang desisyon kung maghahain ito ng apela sa naturang desisyon.
‘Yan ay desisyon ng Kataas-taasang Hukuman. We respect that,” ani Roque.
Magugunitang Mayo ng taong 2016 nang matalo si Marcos ng 263,472 na boto laban kay Robredo na resulta aniya ng pandaraya.
Agosto rin ng taong 2018 nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw ito kung maipapanalo ni Marcos ang kanyang protest laban kay Robredo.