Halos 300 indibidwal mula sa ibat-ibang barangay sa Davao City ang inilikas dahil sa pagbaha sa lungsod.
Ayon sa Davao City Government kabilang sa mga inilikas ang 25 katao mula sa Philoia, Bago Aplaya at 56 katao mula naman sa Barangay Sto Ninio sa Tugbok.
Ang pagbaha sa lungsod ay kasunod na rin nang pag apaw ng Matina River gayundin ang tubig sa isang creek sa Purok Nueve, Barangay Tacunan.
Dahil dito hindi madaanan ang pansamantalang tulay sa Matina Pangi at nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga residente sa lugar.
Samantala itinaas naman ang code red sa Talomo river channels.