Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi agad naipasang 2019 national budget ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya sa unang tatlong buwan ng 2019.
Ito ay matapos maitala ang 5.6 percent na economic growth ngayong unang bahagi ng taon na siyang pinakamagal na paglago sa loob ng apat na taon.
Ayon sa pangulo, hindi nakagastos ang gobyerno dahil sa patuloy na pagmamatigas ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaya’t malaki aniya ang nawala sa ekonomiya.
Sa kabila nito, tiniyak ng pangulo sa lahat na pantay na hahatiin ang pondo sa bawat rehiyon.