Gagawing available sa mga eskuwelahan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa edad 5 hanggang 11.
Kasunod ito ng muling pagbabalik ng face-to-face classes kung saan, mahigit kalahati na ng mga pampublikong paaralan ang nagbalik na sa normal na operasyon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga naturang COVID-19 vaccines ay maaaring iturok sa pediatric population sa pamamagitan ng mga infirmary para mabilis mai-deploy sa mga paaralan bilang proteksyon laban sa COVID-19.