Umapela si Senate President Protempore Franklin Drilon na bigyan pa ng sapat na panahon ang liderato ng Senado bago ito husgahan o i-assess ang performance nito
Sa gitna na rin ito ng mga punang dalawang panukala pa lamang ang naipapasa ng Senado sa nakalipas na 6 na buwan
Sinabi ni Drilon na dapat unawain na kapapasok pa lamang ng 17th Congress kung saan bago ang administrasyon, maraming bagong mambabatas at maging Committee Chairmanships
Hindi lamang naman aniya bilang ng mga naipapasang batas ang sukatan ng performance ng Senado
By: Judith Larino / Cely Bueno