Susuriin ng husto ng Senado kung ano ang ikabubuti o ikasasama ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang lahat ng Barangay Official sa pamamagitan ng pagtatalaga sa halip na maghalal.
Ayon kay Senate Committee on Local Government Chairman Sonny Angara, wala pa namang inihahaing panukalang batas sa kanyang kumite hinggil sa plano ng Pangulo.
Pero sakali anyang kailangang amyendahan ang election law ay dapat ding rebisahin ang Local Government Code na batayan ng paghahalal ng mga Barangay Official.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na malaki ang posibilidad na mga sangkot sa iligal na gawain tulad ng illegal drugs ang maluklok na mga barangay official kung itutuloy ang halalan.
By: Drew Nacino / Cely Bueno