Hinimok ng Pampanga Swine Producers Association na agapan na ng gobyerno ang patuloy na pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa bago pa man tuluyang magkulang ang suplay ng karneng baboy.
Ayon kay Pampanga Swine Producers Association President Wency Tancuangco, nangunguna ang Central Luzon sa may pinakamaraming kaso ng ASF, nakapagtala rin ng naturang virus sa Mindanao dahilan upang marami ang huminto sa negosyo.
Panawagan ng grupo, tulangan sila ng pamahalaan upang magsugpo na ang ASF sa bansa upang hindi magkulang ang suplay ng karne.
Babala ni Tancuangco, ang nakaambang kakulangan sa suplay ng baboy ay magreresulta sa pagsipa pa ng presyo nito sa merkado na sa ngayon ay nasa P400 na ang kada kilo.
Matatandaang una nang inihayag ng grupo na mas matindi pa sa COVID-19 ang ASF na kahit ano aniyang spray o disinfectant ilagay ay tinatamaan pa rin ng virus ang kanilang mga alagang baboy.—sa panulat ni Agustina Nolasco