Kinastigo ng Malakaniyang si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil sa gulong nililikha umano sa publiko ng mga pahayag ni Belgica.
Magugunitang isiniwalat ni Belgica na may apat na miyembro ng gabinete ang nanganganib umano na masibak makaraang imbestigahan ang mga ito dahil sa katiwalian.
Dahil dito, pinayuhan ni Roque si Belgica na itigil ang mga paglalabas nito ng pahayag sa publiko dahil hindi naman ito awtorisadong magsalita para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Roque na ang mandato lamang ng PACC ay mag-imbestiga sa mga opisyal at kawani ng gubyerno na nasasangkot sa katiwalian.