Gumagawa na ng paraan ang gobyerno upang itaas ang buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin bunsod ng pagsipa ng presyo ng langis.
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Finance (DOF) na maghanap ng pondo para itaas ang ayuda sa 500 mula sa orihinal na 200 pesos.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, naghahanap ang gobyerno ng posibleng mapagkukunan ng pondo para sa karagdagang 300 pesos.
Sinabi rin anya ng pangulo na ang susunod na administrasyon na ang mangangasiwa kung paano pababayaran ang pondo.
Samantala, inihayag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na nakikipag-ugnayan na sila sa DOF hinggil dito at agad sisimulan ang pamamahagi ng subsidiy sa oras na matanggap ang pera mula sa Department of Budget and Management (DBM).