Tatlo at kalahating bilyong pisong kita ang nawawala araw araw sa Pilipinas dahil sa masikip na daloy ng trapiko.
Batay ito sa pinakahuling pag aaral ng JICA o Japan International Cooperation Agency.
Halos isang bilyong piso itong mas mataas sa resulta ng pag-aaral noong 2014 kung saan lumalabas na 2.4 billion pesos ang nawawalang kita sa Pilipinas araw araw.
Noong 2014, sinabi ng JICA na kung hindi kikilos ang gobyerno, posibleng pumalo sa anim na bilyong piso kada araw ang mawala sa Pilipinas dahil sa trapik pagsapit ng 2030.
Ang JICA ay isa sa mga sumusuporta sa halos siyam na trilyong pisong infrastructure projects ng Duterte administration.
Kabilang dito ang mahigit sa halos 360 billion pesos Metro Manila Subway Project.
Ang loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan para sa subway project ay nakatakdang lagdaan sa Marso.