Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs – Clark International Airport ang nasa 10,000 tableta ng ecstacy.
Batay sa ulat, nilalaman ito ng dalawang package na nagmula sa The Netherlands.
Nagkakahalaga ang kontrabando ng tinatayang P17- milyong.
Kaugnay nito, limang salarin ang naaresto ng mga awtoridad na nasasangkot naman sa delivery operation ng iligal na droga sa Lubao, Pampanga.