Epektibo na sa susunod na buwan ang sampung sentimong dagdag-singil sa bawat kilowatt hour sa kuryente sa buong bansa.
Ito mismo ang kinumpirma ni Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta kasunod ng pagsisimula ng recovery ng National Grid Corporation of the Philippines sa mahigit 28 billion pesos.
Ayon sa DOE official, kokolektahin ito sa mga konsyumer sa loob ng pitong taon.
Una nang sinabi ng kagawaran na posibleng bumaba ang singil sa kuryente sa billing ngayong buwan. Ito’y matapos na bumaba ang overall na presyuhan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market.