Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng National ICT Month ngayong Hunyo na may temang “Walang Iwanan sa Digital Bayanihan,” pinagtitibay ng Globe ang pangako nito na magtatag ng isang ligtas at inklusibong digital future para sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng flagship Digital Thumbprint Program (DTP) nito.
Nabatid na ang award-winning initiative na ito ay nakarating na sa mahigit 11,600 estudyante at educators sa buong bansa ngayong 2025, na nagsusulong ng responsableng digital citizenship at privacy awareness sa lumalaking konektadong mundo.
Ang tema ay nagtutulak ng sama-samang pagsisikap upang matiyak na walang Pilipino ang maiiwan sa digital na panahon. Kaugnay nito, tinutugunan ng DTP ng Globe ang mga tunay na isyu tulad ng data privacy, cyber safety, at identity protection — pinalalakas ang mga user mula sa lahat ng sektor upang maging mas maingat sa kanilang digital footprints at makibahagi nang responsable sa digital na komunidad.
“As we celebrate ICT Month, we are reminded that technology should be a force for inclusion and empowerment. Through programs like DTP, we are helping ensure that every Filipino, from students to seniors, can participate in the digital economy safely and responsibly,” pahayag ni Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly Crisanto.
Privacy sa Gitna ng Hyperconnection
Habang lumalaganap nang mas sopistikado ang online scams, phishing, at identity theft, pinagtitibay ng Globe ang pangako nito sa kaligtasan sa online —lalo na para sa mga bata. Sa matagal na nilang pakikipagtulungan sa SaferKids PH, isinusulong ng Globe ang kaligtasan sa online ng mga bata, upang maprotektahan sila mula sa mga panganib ng internet, tulad ng online sexual abuse at exploitation at cybercrimes.
“Through the Digital Thumbprint Program (DTP, we provide Filipinos with practical knowledge to navigate digital spaces responsibly. The program helps participants recognize online threats, avoid risky behaviors such as oversharing, and adopt safe practices when using social media or conducting online transactions,” ayon sa Globe.
“By simplifying complex topics like cybersecurity and digital rights, Globe empowers individuals to take control of their digital presence. Together, we move closer to a future where every Filipino is equipped to thrive safely and responsibly in the digital landscape,” dagdag pa nito.
Pagpapalawak sa Digital Literacy
Tapat sa diwa ng bayanihan, dinala ng Globe ang DTP sa mga eskuwelahan at komunidad sa buong bansa, kabilang ang Bulacan State University, Universidad De Manila, Cebu Technological University, at Northern Iloilo State University. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng workshops na pinangunahan ng mga volunteer ambassadors ng Globe, ang programa ay naghatid ng age-appropriate, localized content sa mga batang mag-aaral, educator, at maging senior citizens.
Sa labas ng academic institutions, ang Globe ay patuloy na sumusuporta sa lifelong learners sa pamamagitan ng Senior Digizen program, tinutulungan ang mga nakatatandang Pilipino na makipag-ugnayan nang may kumpiyansa sa digital na mundo habang nananatiling ligtas online.
Digital Privacy Habits
Upang suportahan ang digital journey ng bawat Pilipino, hinihikayat ng Globe ang publiko na isagawa ang apat na habits na ito para sa mas ligtas na online experiences:
1. Rebyuhin ang Privacy Settings – Kontrolin kung sino ang makakakita ng iyong personal information.
2. Gumamit ng Ligtas na Koneksiyon – Maging maingat sa paggamit ng public Wi-Fi para sa pribadong accounts.
3. Mag-isip Bago Mag-Share – Ang oversharing ay maaaring magbukas ng pinto sa scams at fraud.
4. Manatiling Alerto – Ang phishing at fake profiles ay karaniwan — beripikahin muna bago mag-click.