Dedesisyunan na ng 27 bansang miyembro ng European Union (EU) sa loob ng ilang araw ang panukalang buong pag-embargo sa ibinebentang langis ng Russia.
Ayon kay German Economic Minister Robert Habeck, isasabay sa embargo ang pagkontrol na rin sa presyo ng langis sa international market.
Sa oras na tuluyang ipatupad ang embargo, ititigil ng mga EU member ang pagbili ng langis sa Russia na hanggang sa kasalukuyan.
Nasa 30 hanggang 40% ng pangangailangan ng EU ay nanggagaling sa Russia.