Umaabot na sa 5,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang nawalan ng trabaho mula nang sumiklab ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Dolores Balladares-Pelaez, chairperson ng United Filipinos in Hong Kong, maliban sa mga domestic helpers, may mga residente rin sa Hong Kong ang kasama sa mga nawalan ng trabaho.
Marami anyang expatriates na nag-eempleyo ng mga Pilipino ang hindi pa rin nakakabalik sa Hong Kong dahil sa travel ban.
Samantala, nananatili naman anyang sarado ang mga entertainment centers kung saan marami ring Pilipino ang nagta-trabaho.
Sinabi ni Pelaez na ang magandang balita lamang ay hindi na nadadagdagan ang bilang ng Pinoy na nagpopositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.
Maliban dito, pinayagan na uli anya silang makalabas basta’t susunod lamang sa mga regulasyon.