Patuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayo’y pumapalo na sa 456,562 matapos maitala ang 2, 122 na mga bagong kaso ng nasabing virus.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapagtala ng mahigit 2k kaso ng COVID-19 ang bansa matapos ang sunod-sunod na labing araw na nasa halos 1k lamang ang arawang kaso ng nasabing virus.
Ayon sa Department Of Health Quezon City ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa 160, sumunod ang Rizal – 105, Bulacan – 91, Makati City – 83 At Davao City – 79.
Samantala 778 pang pasyente ang naka-recover sa nasabing sakit kaya’t umakyat na sa 420, 666 ang total recoveries at 25 ang mga bagong nasawi kung saan nasa 8, 875 na ang death toll.
Sa 27, 021 active cases na sumasailalim sa gamutan o quarantine 84% ang mild, 8% ang asymptomatic, 2.5% ang severe at 5.1% ang critical condition.